I found this really meaningful and very, very sweet! Nice work Jack! Proud that I was once a part of your great talent! =)
Masungit – ang una kong puna sa kanya
na nakapamewang nang madatnan natin sa may entrada.
Nakakunot ang noo at nakatulis ang mga labi,
tila lalamunin ako sa susunod pang mga sandali.
Lumapit ka, at humalik, kasabay ang pagbulong niya ng matinis.
Sino ang lalaking iyan, ang pagsambit niya nang kaybilis.
Tumugon naman ako sa tanong na hindi para sa akin.
Nobyo niya po, ang aking buong pagmamalaki.
Mahal mo ba ang dalaga ko, ang patuloy niyang pag-uusisa.
Natigilan naman ako at napasagot lamang ng ohong malamya.
Hindi ako kumbinsido, ang bulalas ng inang naninigurado.
Ikaw ay sumabat, tama na po Ma, mahal ko ang aking nobyo.
Mapagmahal – ang ipinamalas niya sa akin
na nakapamewang pa rin nang ako ay papaalis.
Nakakunot ang noo ngunit sa labi ay may ngiti,
na tila nagbibilin na ang dalaga niya ay huwag paiiyakin.
Nang nakilala ko ang nanay mo
hindi na ako masayang saktan ka pa.
By: JACK MALABANA - http://damnselfyouaresostressed.wordpress.com
No comments:
Post a Comment