Paulit-ulit.
Ngunit wala ni isang bakas ng pagod sa aking mukha. Naniwalang sa buong apat na taon, nanatiling panatag ang kalooban; nakinig, nagparaya, nagmahal. Nakakabulag ang mundo kung saan nag-uumapaw ang tindi ng tiwala sa sarili.
Sumobra nga pala ako.
Naisip kong “maghintay pa nang kaunti” ngunit walang nangyari.
Maghintay pa “hangga’t maayos ang lahat." Wala ulit.
Maghintay “hangga’t kaya pa.”
Hanggang saan ako dadalhin ng paghihintay na maayos ang isang bagay na ako lang ang nagnais? Ako lang; tumakbo nang paikot-ikot sa landas na sabay naming nilalakad noon. At ngayon, kailangan ko nang tumakbo.
Hindi na kami patas.
“Minsan hindi kailangan ipangalandakan na malungkot at nahihirapan. Kasi kahit sabihin pa nang sabihin, pero wala namang ginagawang paraan para mapagaan, pinalalala mo lang.”
Siya ako noon. Sino na ako ngayon?
Ako. Marahan ko nang naitapon ang lahat ng hinanakit na yan sa hangin. Napunan ko na ng luha ang dagat. Nasigawan ko na ang mundo. Natingnan ko na ang sarili ko sa salamin at nakita ang malayo kong identitad sa taong nakagisnan kong maging; pinilit kong maging.
Hindi ako yon. At lalong hindi pala ako ganon.
Hindi lahat ng nagmamahal ay natututo sa huli. Minsan mas pinipili nilang uliting ang parehas na drama ng buhay. Ngunit hindi ako isa sa kanila. Ayoko na.
Alam kong balang araw, di ko na kailangang humabol pa at masaktan. Balang araw, may sasabay sakin sa paglalakad. At unti-unti naming sasabayan ang magandang takbo ng buhay.
:’)
No comments:
Post a Comment